Bakit nga ba madami na ang nahuhumaling sa paglalaro ng online games? Ano nga ba ang naidudulot ng paglalaro ng online games sa isang tao? Habang tumatagal dumarami na din ang gaming community, lalo na nang lumabas ang mga flash games sa Facebook. Ang mga dating mahilig lang mag-friendster na ang ginagawa lang ay mag post lang sa mga walls, tingin tingin sa mga pictures ng mga kaibigan, ngayon ay naglalaro na rin ng mga flash games simula ng ilabas ito ng facebook. Anu-ano nga ba ang mga kadahilanan kung bakit dumarami na ang naglalaro ng online games? Sa mga napagtanungan ko, eto ang kanilang mga kadahilanan:
Nakakaalis ng stress
Marami sa mga gamer ngayon na ang dahilan kaya sila naglalaro ng online games ay para makaalis ng stress. Maaaring mga stress ito dahil sa pag-aaral, sa trabaho at sa iba’t-iba pang mga stress nila sa buhay.
Masayang libangan
Nakakaaliw nga naman maglaro ng games sa mga oras na walang magawa. Marami na nga rin ang nagsasabi na mas tipid daw maglaro na lamang ng online games kaysa magpunta at mamili sa malls.
Nakakarami ng kaibigan
Habang tumatagal nadaragdagan daw ang mga kaibigan nila dahil na rin sa mga nakikilala nila sa game na nilalaro nila. Kung minsan nga eh hindi lang kaibigan ang nahahanap nila sa laro kung di kasinatahan pa. And in most rare cases may nagkakatuluyan pa, mga nagpapakasal at nagkakilala lamang sa online game.
Challenging
May mga gamer din na ang dahilan nila ay dahil challenging daw ang paglalaro ng online games. Para daw itong puzzle na hindi matapos tapos na pilit nilang sinosolve. Achievement sa kanila sa tuwing nakakatapos sila ng isang game tulad ng pag abot sa level cap or pinaka-mataas na level ng game o kaya naman ay makakuha ng rare item in-game.
Competitive
Bukod sa challenging daw ang paglalaro ng online games, may mga gamer din na naging paraan ang paglalaro ng games para ma-build ang pagiging competitive nila dito. Sila yung mga sumasali na sa mga tournaments ng games at kung anu ano pang paligsahan.
My Virtual World
Tahimik, outcast sa personal pero in-game naman malakas, sikat at minsan maangas pa. Sa ibang gamer, ang virtual world na ang  second home nila. Dito nila na-express ang panloob nila na hindi nila mailbas sa real world. Gaya na lamang sa mga RPG o Role Playing Games na kung saan papi-piliin ka ng iba’t ibang character na ayon sa gusto mo, kadalasan sa mga gamer na naglalaro ng games na ito ay talaga nama’ng ginagampanan ang role nila na parang sila na mismo ang nasa loob ng laro.
Additional Knowledege
Believe it or not, may mga bata dati na ni hindi marunong humawak ng mouse o magbukas ng PC pero ngayon mas marunong pa sila sa magulang nila. May mga gamer na ni hindi marunong mag browse sa websites noon pero ngayon ang dami nang alam. At kadalasan ito ay tulak na rin ng kagustuhang makapaglaro ng online games. Â May mga gamer na hindi alam ang spelling o kaya naman hindi nakakaintindi ng english dati, pero pag narinig nilang ginamit ang english word na galing sa nilalaro nila alam na nila ang ibig sabihin. May mga gamer talaga na aalamin at gagawin ang lahat para makapaglaro lamang kaya naman habang tumatagal nadaragdagan na rin ang knowledge nila sa iba’t ibang aspeto. Lalo na sa ibang games na kinakailangan ng matinding diskarte, sa mga games na ito natututo ang mga gamer at nahuhulma ang kanilang kakayahan para lalo pang gumaling.
Mas safe na bisyo
May mga nagsasabi na bisyo na rin nila ang paglalaro ng online games. Ngunit compared nga naman sa drugs drugs o subukan pa ang ibang bisyo na makakasama sa katawan mo, mas maraming naidudulot na kagandahan sa buhay ang paglalaro ng online games. Sa bisyong paglalaro ng online games, bukod sa magagandang kadahilanan na mababasa mo sa itaas, mas nakatipid ka na, di ka pa bad influence sa iba, safe pa ang buhay mo.
Way of earning money
Legal sa ibang online games minsan naman illgeal, pinaghirapan man o hindi kadalasan ito na rin ang nagiging dahilan ng ibang gamer kaya isa naglalaro. Gaya na lamang ng mga gold seller sa sikat na larong World of Warcraft. Sa dami ng bumibili ng gold sa iba’t ibang bansa, dumarami na rin ang nag farm at nagbebenta ng gold upang kumita ng real world currency. Ang dating pa-laru laro lamang ang gusto, ngayon ay pera na ang dahilan kung bakit sila naglalaro.
Yan at iba’t iba pang mga kadahilanan kung bakit dumarami ang naglalaro ng online games. Isa ka na ba sa mga gamer na ang dahilan ay isa sa mga nakasulat sa itaas? Kung ganun, maipagmamalaki mo rin ba na isa kang “Proud Gamer”!


GM Anael